Tsina at Pilipinas, tuluy-tuloy na pinapasulong ang kooperasyon sa pamamagitan ng BRI

2021-11-18 17:13:54  CMG
Share with:

Nitong 8 taong nakalipas sapul nang iharap noong 2013 ng Tsina ang Belt and Road Initiative (BRI), isinasagawa na ng Tsina at Pilipinas ang maraming kooperasyon sa iba't ibang aspekto.

 

Ang mga kooperasyon ay sumasaklaw sa paglaban sa pandemiya ng COVID-19, mga proyekto sa pamamagitan ng pag-uugnayan ng BRI at Build Build Build, pagpapasulong ng teknolohiyang pang-agrikultura, at iba pa.

 

Bakuna kontra COVID-19 ng Sinovac ng Tsina, dumating ng Pilipinas

 

Hanggang sa kasalukuyan, kinuha ng Pilipinas mula sa Tsina ang mahigit 55 milyong dosis ng bakuna kontra COVID-19, na kinabibilangan ng mahigit 51 milyon na binili ng pamahalaang Pilipino, 3 milyon na libreng ipinagkaloob ng pamahalaang Tsino, at ang mga nalalabi ay binili ng mga pamahalaang lokal at pribadong sektor ng Pilipinas.

 

Noong Oktubre 13, 2021, ibinigay ng Pasuguan ng Tsina sa Pilipinas sa Davao City ang apat na ambulansiya at anim na van, para suportahan ang Davao City sa laban nito kontra pandemiya ng COVID-19.

 

Isang milyong bakuna kontra COVID-19, muling ibibigay ng Tsina sa Pilipinas

 

Kaugnay ng pagtutulungang Pilipino-Sino sa Davao, maalwang isinasagawa ang mga proyekto na gaya ng Davao River Bridge, Davao City-Samal Island Bridge, at unang yugto ng Davao Expressway.

 

Sa pahayag naman ni Emil K. Sadain, Undersecretary ng Department of Public Works and Highways (DPWH), nitong Oktubre 8, 2021, mahigit 80% na ang natapos sa konstruksyon ng proyektong Binondo-Intramuros Bridge sa Pasig River, at may posibilidad itong buksan sa unang kuwarter ng 2022.

 

Sustenableng Transportasyon: Pagtutulungan sa imprastrutura at agrikultura ng Pilipinas at Tsina_fororder_rBABDGFg-leAOBrVAAAAAAAAAAA044.854x480.660x371

 

Ang Tulay Binondo-Intramurus ay itinuturing na isa sa mga flagship infrastructure projects sa ilalim ng Build, Build, Build program na may Official Development Assistance (ODA) mula sa Tsina. Hindi lamang mababawasan nito ang panahon ng biyahe sa pagitan ng Intramuros at Binondo sa Manila, kundi makikinabang din dito ang humigit-kumulang sa 30,000 sasakyan kada araw.

 

Nauna rito, noong Hulyo 29, 2021, nagbukas ang Estrella-Pantaleon Bridge sa Pasig River, isa pang proyektong may ayudang Tsino. Bunga ng inagurasyon ng tulay na ito, iikli sa 10 minuto ang tagal ng pagbiyahe sa pagitan ng Makati City at Mandaluyong City.  

 

Sustenableng Transportasyon: Pagtutulungan sa imprastrutura at agrikultura ng Pilipinas at Tsina_fororder_rBABC2EDwGiAQNdzAAAAAAAAAAA121.800x450.660x372

Sustenableng Transportasyon: Pagtutulungan sa imprastrutura at agrikultura ng Pilipinas at Tsina_fororder_rBABCWEDwGqAEKH3AAAAAAAAAAA390.2972x1476.660x328

 

Bukod sa naturang dalawang tulay sa Pasig River, pirmado na ang kontratang komersyal at pinag-uusapan ang hinggil sa pagpapautang sa Three Priority Bridges.

 

Kasama ng mga ito ang North and South Harbor Bridge sa daungan ng Manila, Eastbank-Westbank Bridge na mag-uugnay ng Pasig City at Cainta City sa Metro Manila sa ibabaw ng Manggahan Floodway, at  Palanca-Villegas Bridge sa Pasig River.

 

Sustenableng Transportasyon: Pagtutulungan sa imprastrutura at agrikultura ng Pilipinas at Tsina_fororder_W020201221548587360699

Ang disenyo ng North and South Harbor Bridge

 

Sustenableng Transportasyon: Pagtutulungan sa imprastrutura at agrikultura ng Pilipinas at Tsina_fororder_226

Ang disenyo ng Eastbank-Westbank Bridge 

 

Sustenableng Transportasyon: Pagtutulungan sa imprastrutura at agrikultura ng Pilipinas at Tsina_fororder_228

Ang disenyo ng Palanca-Villegas 

 

Ang nasabing limang tulay ay bahagi ng kabuuang proyekto ng konstruksyon ng 12 tulay sa Pasig-Marikina River at Manggahan Floodway sa Metro Manila. Layon nitong pabutihin ang network ng mga lansangan at palakasin ang kapasidad ng transportasyon sa NCR ng Pilipinas.

 

Samantala, nakatakdang matapos ngayong taon ang Philippine-Sino Center for Agricultural Technology (PhilSCAT)-Technical Cooperation Program (Phase III). Ang ika-3 yugto ng programang ito na pinasinayaan noong 2018 ay naglalayong mapataas ang produksyon ng palay ng Pilipinas sa pamamagitan ng pamomodernisa ng PhilSCAT hybrid rice technology research and demonstration center.

 

Sustenableng Transportasyon: Pagtutulungan sa imprastrutura at agrikultura ng Pilipinas at Tsina_fororder_W020200707642557669878

 

Patnugot: Jade at Liu Kai
Pulido: Mac
Larawan: Pasuguan ng Tsina sa Pilipinas

Please select the login method