Nagmula sa Kanada, ang Ice Hockey ay isang larong pangyelo na may mahabang kasaysayan.
Noong 1924, pormal itong ginawang event sa kauna-unahang Olympic Winter Games.
Ang Ice Hockey ay tinatawag na larong pangyelo para sa matatapang.
Sa paligsahan, may 6 na manlalaro ang bawat koponan, na kinabibilangan ng 3 forward, 2 defender at 1 goaltender.
Sa pamamagitan ng kakayahan at teknik, layon ng mga manlalaro na papasukin ang puck sa goal ng kalaban.
May 3 innings ang bawat palaro, at 20 minuto ang tagal ng bawat innings. Samantala, 15 minuto naman ang half time break.
Napakabilis ng takbo ng Ice Hockey, kaya pinahihintulutan ang makatuwirang pagbangga, gamit ang balikat, dibdib at puwit, sa paligsahan ng mga lalaki.
Sa mga paligsahan ng National Hockey League (NHL) ng Amerika, minsan’y nangyayari ang mga suntukan, pero ito’y mahigpit na ipinagbabawal sa pormal na paligsahan.
Salin: Vera
Pulido: Rhio