Bird's Nest, sasalubungin muli ang Olympic flame

2021-11-02 17:57:44  CMG
Share with:

Ang National Stadium ng Tsina, o kilala rin bilang Bird’s Nest, ay tinatawag na dakilang likhang-sining ng “ika-4 na henerasyon ng gymnasium.”

Bird’s Nest, sasalubungin muli ang Olympic flame_fororder_20211102BirdsNest4

Matatagpuan sa katimugan ng Olympic Green ng Beijing, ang Bird’s Nest minsan’y pangunahing stadium ng 2008 Beijing Olympic Games, at gaganapin dito ang mga seremonya ng pagbubukas at pagpipinid ng Beijing 2022 Olympic Winter Games.

Bird’s Nest, sasalubungin muli ang Olympic flame_fororder_20211102BirdsNest2

Ang Bird’s Nest ay magkakasamang idinesenyo ng mga arkitektong Swiss na sina Jacques Herzog at Pierrede Meuron, at arkitektong Tsino na si Li Xinggang. Ang anyo nito ay parang isang pugad, na sumisimbolo sa pananabik ng sangkatauhan sa kinabukasan.

Bird’s Nest, sasalubungin muli ang Olympic flame_fororder_20211102BirdsNest3

Perpektong pinag-isa ng arkitekturang ito ang hollow out style sa tradisyonal na kultura ng Tsina, mga linya ng porselana, luningling ng pula, at pinakamodernong disenyo ng estrukturang asero.

Bird’s Nest, sasalubungin muli ang Olympic flame_fororder_20211102BirdsNest1

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method