Promotional video ng Beijing Winter Olympics, ginawaran ng kilalang gantimpala sa daigdig

2021-11-15 17:32:09  CMG
Share with:

Sa seremonya ng paggagawad ng mga gantimpala ng Ika-39 na Milano International FICTS Fest, na idinaos kagabi, local time, sa Milan, Italya, ang promotional video tungkol sa sulo ng Beijing Winter Olympics at Paralympics na ginawa ng komiteng tagapag-organisa ng naturang mga palaro, ay ginawaran ng Golden Wreath Award, pinakamataas na karangalan sa katagoryang "Diwa ng Olimpiyada."

 

Sa kanyang mensaheng pambati sa aktibidad, ipinahayag ni Thomas Bach, Presidente ng International Olympic Committee (IOC), na habang malubha pa rin ang pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), ang pelikula at palakasan ay magpapatingkad ng mas malaking papel na pampasigla sa mga tao.

 

Ipinahayag naman sa video message ni Jiang Xiaoyu, Bise-Presidente ng Beijing Olympic City Development Association, na ang mga sikat na pelikula ng palakasan ay magpapasulong sa diwa ng Olimpiyada na "Faster, Higher, Stronger, and Together."

 

Naitatag noong 1982, ang Milano International FICTS Fest na magkasamang itinataguyod ng IOC at Federation Internationale Cinema Television Sportifs (FICTS) ay tinatawag na "Oscar of sports."

 

Editor: Sissi
Pulido: Liu Kai

Please select the login method