Sa kanyang mensaheng pambati sa Ika-4 na World Media Summit, nanawagan si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa lahat ng kalahok na media na magsikap para mapasulong ang komong kapakanan ng buong sangkatuhan at magkasamang itatag ang isang komunidad ng pinagbabahaginang kinabukasan.
Sinabi ni Xi na sa kasalukuyan, kinakaharap ng buong mundo ang walang katulad na pagbabago at kumakalat pa ang COVID-19. Nagiging napakaimportante ng social responsbility ng mga media para makatugon sa pangangailangan ng bagong panahon. Umaasa aniya siyang mapapalakas ng mga media ang kanilang kakayahan at pasusulungin ang pagpapalitan ng kultura at pagpapalagayan ng mga tao.
Idinaos kahapon dito sa Beijing ang Ika-4 na World Media Summit na nagtatampok sa estratehiyang pangkaunlaran ng media sa gitna ng pandemiya.
Salin: Sissi
Pulido: Mac