"Ping-Pong diplomacy 2.0” ng Tsina at Amerika, mabuting pangyayari at paalala — Tsina

2021-11-24 11:17:39  CMG
Share with:

Ipinatalastas nitong Martes, Nobyembre 23, 2021 ng International Table Tennis Federation na magte-team-up ang mga manlalarong Ping-Pong ng Tsina at Amerika para lumahok sa World Table Tennis Championships sa Houston. Inilarawan ng mga tao ang pangyayaring ito bilang“Ping-Pong diplomacy 2.0.”

Matatandaang noong taong 1971, pinasimulan ng Tsina at Amerika ang proseso ng normalisasyon ng bilateral na relasyon sa pamamagitan ng“Ping-Pong diplomacy.” 

Kaugnay nito, tinukoy nang araw ring iyon ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang pagkaka-ulit ng “Ping-Pong diplomacy” ng Tsina at Amerika ay isang mabuting pangyayari para sa mga nagmamahal sa larong Ping-Pong sa kapwa bansa, sirkulong pampalakasan, at mga mamamayang Sino-Amerikano na sumusuporta sa pagkakaibigang Sino-Amerikano.

Ipinahayag ni Zhao na nitong 50 taong nakalipas, isang mahalagang pangyayari sa relasyong pandaigdig ay ang pagpapanumbalik at pag-unlad ng relasyong Sino-Amerikano, bagay na nakakapaghatid ng benepisyo sa mga mamamayan ng dalawang bansa at buong daigdig.

Sa loob ng darating na 50 taon, ang pinakamahalagang bagay sa relasyong pandaigdig ay dapat hanapin ng Tsina at Amerika ang tumpak na landas ng kanilang pakikipamuhayan, diin pa ni Zhao.


Salin: Lito
Pulido: Mac

Please select the login method