Ayon sa ulat, sa gaganaping Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng G7 sa Disyembre 10, 2021 iimbitahan ang mga ministrong panlabas ng ilang bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).
Kaugnay nito, ipinahayag nitong Miyerkules, Nobyembre 24, 2021 ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina, na hinihimok ng panig Tsino ang ilang bansa sa labas ng rehiyong ito na alamin ang pangkalahatang kalagayan ng daigdig, at obdiyektibo at rasyonal na pakitunguhan ang pag-unlad at progreso ng Tsina at Asya.
Sinabi ni Zhao na naggagalangan, pantay na nakikipamuhayan, at nagtutulungan ang Tsina at mga bansang ASEAN para pamunuan ang integrasyong pangkabuhayan sa rehiyon ayon sa bukas na ideya at pagpapasulong ng kooperasyong panrehiyon sa pamamagitan ng pantay na pagsasanggunian.
Ipinahayag pa niya ang pag-asa at pananalig ng panig Tsino na magsisikap kasama ng ASEAN upang mapasulong ang kanilang komprehensibo’t estratehikong partnership.
Salin: Lito
Pulido: Mac