Sa kapipinid na Association of Southeast Asian Nations (ASEAN)-China Special Summit Bilang Paggunita sa Ika-30 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Relasyong Pandiyalogo ng ASEAN at Tsina, opisyal na idineklara nitong Lunes, Nobyembre 22, 2021 ng kapwa panig ang pagtatatag ng komprehensibo’t estratehikong partnership ng ASEAN at Tsina.
Sa kanyang pagdalo nang araw ring iyon sa summit via video link, ipinagdiinan ni Pangulong Rodrigo Duterte ng Pilipinas na may 30 taong kalaliman at kalawakan ang relasyong ASEAN-Sino. Ang Tsina aniya ay karapat-dapat maging komprehensibo’t estratehikong katuwang ng ASEAN.
Binanggit ni Duterte ang napapanahong ibinigay na tulong ng panig Tsino sa ASEAN sa pakikibaka laban sa pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19).
Sinabi niya na sapul nang sumiklab ang pandemiyang ito, ang Tsina ay unang katuwang na nakipagdiyalogo sa ASEAN tungkol sa paglaban sa pandemiya, at agaran nitong ipinagkaloob ang mga tulong na bakuna at materiyal na medikal sa ASEAN.
Sa pamamagitan ng magkakasamang pagsisikap, natamo ng mga bansang ASEAN ang progreso sa pagkontrol sa pandemiya, at nabuksan muli ang kabuhayan, diin niya.
Ipinalalagay pa ni Duterte na ang pagpapalakas ng multilateralismo at konektibidad ay nagsisilbing puwersang tagapagpasulong sa inklusibidad at komprehensibong pagbangon. Kaya, mainit niyang winiwelkam ang pag-aproba ng Tsina sa Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP).
Salin: Lito
Pulido: Mac
Photo Courtesy: PCOO