Tsina sa Amerika: sumunod sa prinsipyong isang-Tsina

2021-11-24 10:39:28  CMG
Share with:

 

Muling hinimok ng Tsina ang Amerika na sundin ang prinsipyong isang-Tsina at itigil ang pagpapadala ng maling mensahe sa mga seperatistang elementong nagpapasulong ng di-umano’y pagsasarili ng Taiwan.

 

Winika ito ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina sa regular na preskon, nitong Martes, Nobyember 23, 2021, bilang tugon sa may kinalamang pananalita ng tagapagsalita ng Kagawaran ng Estado ng Amerika.

 

Tsina sa Amerika: sumunod sa prinsipyong isang-Tsina_fororder_zhaolijian

Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina 

 

Anang naturang tagapagsalitang Amerikano, mahalagang yugto ang pagtatatag ng “Tanggapan ng Kinatawan” ng awtoridad ng Taiwan sa Lithuania para mapalawak ang pandaigdig na espasyo ng Taiwan.

 

Ani Zhao, ang prinsipyong isang-Tsina ay normang malawakang kinikilala ng komunidad ng daigdig at nagsisilbi rin itong batayang pulitikal para itatag ng Tsina at mga bansang dayuhan ang kanilang relasyong diplomatiko. Ang naturang pananalita ng panig Amerikano ay malinaw na nagpapakita kung sino ang nasa likod ng pagtatayo ng di-umano’y Tanggapan ng Taiwan sa Lithuania, dagdag pa ni Zhao.

 

Binabalaan din ni Zhao ang pamahalaan ng Lithuania na huwag maging kasangkapan ng ibang bansa, dahil sa katapusa’y makakasama lamang ito sa sarili.

 

Salin: Jade

Pulido: Mac

Please select the login method