Bumisita kamakailan si Antony Blinken, Kalihim ng Estado ng Amerika sa Kenya, Nigeria at Senegal. At napansin ng publiko na mukhang hindi niya masyadong pinilit ang ang mga bansang Aprikano na pumili ng kakampihan sa pagitan ng Tsina at Amerika, pero, sinubukan din niyang pakialamanan ay paglayuin ang relasyong Sino-Aprikano.
Pero, ano kaya ang pakiramdam ni Blinken matapos makita ang expressway patungong Nerobi na pinondohan ng Tsina, maging ang gusali ng China General Chamber of Commerce na makikita sa labas ng Abuja Airport ng Nigeria, at maramdaman ang mainit na atomspera ng gaganaping pulong ministeryal ng Forum on China-Africa Cooperation sa Senegal?
Sa katotohanan, sinabi kay Blinken ni Geoffrey Onyeama, Ministrong Panlabas ng Nigeria na nakikita ng kaniyang bansa ang napakalaking pagkakataon sa pakikipagkooperasyon sa Tsina. Mayaman ang karanasan ng Tsina sa mga malalaking proyekto at konstruksyon ng imprastruktura.
Nitong ilang taong nakalipas, ang tulong na ibinigay ng Amerika sa Aprika ay puro pangako lang. Hindi totoong pagmamalasakit sa kaunlaran ng Aprika, at ang Aprika ay isang kagamitan lamang ng Amerika sa labanang heopolitical.
Samantala, nananatiling matapat ang Tsina sa mga kaibigang Aprikano. Ipinalabas kamakailan ng isang TV station ng Zimbabwe ang dokumentaryo tungkol sa donasyon ng bakuna kontra COVID-19 na gawang Tsino at kung paano nakatulong ito para matupad ang mababang bilang ng pagkahawa at zero na kamatayan mula sa COVID-19 sa lunsod ng Victoria Falls. Unti-unting sumisigla ang industriyang panturismo sa lugar at ayon sa salaysay, mahigit 95% ng bakuna ng COVID-19 na ginamit sa Victoria Falls ay galing sa Tsina.
Bukod dito, nananatiling pinakamalaking trade partner ang Tsina ng mga bansang Aprikano nitong 12 taong nakalipas. At mula noong unang idaos ang Forum on China-Africa Cooperation sa taong 2000, lumaki nang 20 ulit ang kabuuang bolyum ng kalakalan ng Tsina at Aprika, at lumaki nang 100 ulit ang direktang pamumuhunan ng Tsina sa Aprika. Kasabay nito, itinatag at ini-upgrade ng Tsina ang higit 10 libong kilometro na daambakal, halos 100 libong kilometro na lansangan at nailikha ang 4.5 milyong trabaho sa mga mamamayan sa Aprika. Pinakaimportante, ang lahat ng mga ito ay walang kasamang political na kondisyunes.
Sino ang tunay na kaibigan ng Aprika? Ayon sa isang poll ng African Barometer, nangunguna ang impluwensya ng Tsina sa Aprika at 63% ng respondents ay positibo sa epektong pangkabuhayan at pampulitika ng Tsina sa kanilang bansa.
Kailangan ng Aprika ang katapatan. Dapat pakinggan ng Amerika ang mungkahi ng isang dalubhasa ng South Africani na si Eric Olander. Sinabi niyang “Kumpara sa Tsina, ang larong pinili ng Amerika ay tiyak na di magtatagumpay. Kung nais ng mga matataas na opisyal ng Amerika na sila’y seryosohin, dapat nilang ilipat ang atensyon mula sa presensya ng Tsina sa Aprika at mas pagtuunan ng pansin ang positibong agenda nila sa naturang kontinente.
Salin: Sissi
Pulido: Mac
Pangulong Tsino, nagpadala ng liham na pambati sa China-Africa People's Forum
Kooperasyon sa produktong agrikultural, palalawakin ng Tsina at Aprika
Pangulong Tsino, nakikiramay sa pagyao ng dating pangulong Zambian
Tsina, nakahandang pasulungin ang komprehensibot’t estratehikong partnership sa Republika ng Congo