Ayon sa ulat, ibineto kamakailan ng House of Representatives ng Dutch Parliament ang mosyong iniharap ng ilang miyembro kung saan humiling sa pamahalaan na huwag ipadala ang kinatawan sa Beijing 2022 Olympic Winter Games.
Nauna rito, sa isang kaukulang debatehan, iminungkahi ni Ministrong Panlabas Ben Knapen ng Netherlands na hindi pagtibayin ang mosyon hinggil sa “diplomatikong pagboykot” sa Beijing Winter Olympics.
Kaugnay nito, inihayag kahapon, Nobyembre 25, 2021 ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina na nagkaisa ng palagay ang pandaigdigang sirkulo ng palakasan hinggil sa pagtutol sa anumang aksyong lumalabag sa diwa ng Olimpik Karta.
Dagdag niya, iniuugnay ng iilang tao ng panig Hapones ang Beijing Winter Olympics at bilateral na agendang pulitikal, at ang esensya nito ay pagsasapulitika ng palakasan at pagdungis sa diwang Olimpik. Buong tatag na tinututulan ito ng panig Tsino.
Diin ni Zhao, may mahalagang komong palagay ang panig Tsino’t Hapones sa pagsuporta sa pagtataguyod ng isa’t isa ng Olimpiyada. Aniya, puspusang kinatigan ng panig Tsino ang pagtataguyod ng Hapon ng Tokyo Olympics, at dapat ipatupad ng panig Hapones ang sariling pangako.
Salin: Vera
Pulido: Mac