Mabungang progreso ng kooperasyon ng Tsina at Rusya sa enerhiya, pinuri nina Xi at Putin

2021-11-30 11:42:02  CMG
Share with:

Magkahiwalay na ipinadala kahapon, Nobyembre 29, 2021 nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Vladimir Putin ng Rusya ang mga liham na pambati sa ika-3 China-Russia Energy Business Forum.
 

Tinukoy ni Xi na ang kooperasyon sa enerhiya ay mahalagang direksyon ng pragmatikong kooperasyon ng dalawang bansa. Napanaigan aniya ng kapuwa panig ang epekto ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), naisakatuparan ang paglago ng kalakalang pang-enerhiya sa di-paborableng kalagayan, maalwang napasulong ang mahahalagang proyektong pangkooperasyon, at walang humpay na napalawak ang mga bagong larangan at pamamaraan ng kooperasyon.
 

Dagdag ni Xi, nakahanda ang panig Tsino na magpunyagi, kasama ng panig Ruso, para buuin ang mas mahigpit na partnership sa kooperasyong pang-enerhiya, magkasamang mapangalagaan ang seguridad ng enerhiya, at harapin ang pandaigdigang hamon ng pagbabago ng klima.
 

Saad naman ni Putin, sa kasalukuyan, nasa pinakamataas na lebel sa kasaysayan ang komprehensibo, estratehiko at kooperatibong partnership ng Rusya at Tsina sa bagong panahon.
 

Umaasa aniya siyang palalakasin ng mga kompanya ng dalawang bansa ang sinerhiya, tatalakayin ang mga bagong direksyon ng kooperasyong gaya ng pagsasaimpormasyon ng enerhiya at berdeng enerhiya, at payamanin ang nilalaman ng kooperasyon sa enerhiya ng magkabilang panig.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method