Tsina, Rusya, at Indya, magkakasamang isusulong ang kapayapaan, katatagan, at kaunlaran ng daigdig

2021-11-27 17:39:18  CMG
Share with:

Tsina, Rusya, at Indya, magkakasamang isusulong ang kapayapaan, katatagan, at kaunlaran ng daigdig_fororder_1310335461_16379773530141n

 

Idinaos kahapon, Nobyembre 26, 2021, sa pamamagitan ng video link, ang ika-18 pagtatagpo ng mga ministrong panlabas ng Tsina, Rusya, at Indya.

 

Sinabi sa pulong ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, na pagdating sa pagpapasulong ng kapayapaan, katatagan, at kaunlaran ng daigdig, nagkakaroon ang tatlong bansa ng komong kapakanan, magkahawig na paninindigan, at mahalagang tungkulin. Dapat aniya magkakasamang magsikap ang tatlong bansa, para itaguyod ang multilateralismo, pasulungin ang demokratikong relasyong pandaigdig, labanan ang pandemiya ng COVID-19, at bigyang-ambag ang pagbangon ng kabuhayan.

 

Ipinahayag naman nina Ministrong Panlabas Sergei Lovrov ng Rusya, at Ministrong Panlabas Subrahmanyam Jaishankar ng Indya, na kailangang palakasin ng tatlong bansa ang koordinasyon at kooperasyon sa pagharap sa mga pandaigdigang hamong gaya ng pandemiya, pagbabago ng klima, at terorismo.

 

Editor: Liu Kai

Please select the login method