Pentagon, inilantad ang intensyong pigilin ang Tsina

2021-12-01 11:15:07  CMG
Share with:

Ang may kinalamang ulat ng Kagawaran ng Tanggulang-Bansa ng Estados Unidos ay lubos na nagbubunyag ng intensyon nito para militarisahin ang rehiyong Indo-Pasipiko, at palibutan at pigilin ang Tsina.

 

Ito ang ipinahayag ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina sa regular na preskon, Martes, Nobyembre 30. 2021, bilang tugon sa kapasiyahan ng Pentagon na palawakin ang mga base militar nito sa Guam at Australia para mapalakas ang depensa laban sa Tsina.

 

Pentagon, inilantad ang intensyong pigilin ang Tsina_fororder_微信截图_20211125121953

Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina

 

Inulit ni Zhao ang mariing pagtutol ng Tsina sa tangka ng panig Amerikano na gamitin ang di-umano’y banta mula sa Tsina para itaas  ang pondong militar, mapalakas ang sandatahang puwersa at panatilihin ang hegemonyang militar.

 

Diin ni Zhao, ang pagpapaunlad ng Tsina ng pambansang depensa ay para lamang sa pangangailangan ng pagtatanggol ng soberanya at interes ng pag-unlad, at sa pangangalaga sa panrehiyon at pandaigdig na kapayapaan at kaligtasan. Iba ito sa garapal na paghahambog ng gilas ng sandatahang puwersa at pagsasagawa ng hegemoniya at pang-aapi ng panig Amerikano.

 

Hinimok ng tagapagsalitang Tsino ang panig Amerikano na alisin ang mentalidad na Cold-War ng paglikha ng kunyaring kaaway at itigil ang mga pananalita at kilos na nakakapinsala sa kapayapaan at kaligtasan ng daigdig.

 

Salin: Jade

Pulido: Mac

 

Please select the login method