Moscow, Rusya—Nakipagtagpo kahapon, Nobyembre 30, 2021 si Pangulong Vladimir Putin ng Rusya sa kanyang Vietnamese counterpart na si Nguyễn Xuân Phúc.
Ayon sa impormasyon sa website ng Kremlin Palace, tinalakay ng dalawang pangulo ang kooperasyon ng dalawang bansa sa iba’t ibang larangang gaya ng diyalogong pulitikal, kabuhaya’t kalakalan, teknolohiyang militar, siyensiya’t teknolohiya, pagpapalitan ng mga mamamayan at iba pa, at nagpalitan sila ng kuru-kuro sa mga mainit na isyu ng rehiyon.
Ang kapuwa panig ay sumang-ayon na ibayo pang pauunlarin ang komprehensibot’ estratehikong partnership ng dalawang bansa.
Pagkatapos ng pagtatagpo, inilabas ng panig Ruso’t Biyetnames ang magkasanib na pahayag kung saan nilinaw ang pundamental na prinsipyo ng pag-unlad ng komprehensibo’t estratehikong partnership ng dalawang bansa bago ang taong 2030.
Anang pahayag, naninindigan ang Rusya at Biyetnam sa integrasyon ng kabuhayang panrehiyon, pagpapatupad ng mga inisyatiba ng konektibidad na panrehiyon na gaya ng Greater Eurasian Partnership, at pagpapalakas ng ugnayang pangkabuhayan sa pagitan ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at Eurasian Economic Union.
Salin: Vera
Pulido: Mac