CMG Komentaryo: Tinutupad ng Tsina ang mga pangako sa mga kapatid na Aprikano

2021-12-01 16:08:46  CMG
Share with:

Sa seremonya ng pagsisimula ng Ika-8 pulong ministeryal ng  Forum on China-Africa Cooperation, ipinahayag ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na mahigpit na makikipagkooperasyon ang Tsina sa mga bansang Aprika at magkakasamang pasusulungin ang siyam na proyekto. 
 

Kabilang dito, ang pinakaimportante ay proyektong pangkalusugan. Nangako na ng Tsina na muling ipagkaloob ang 1 bilyong dosis na bakuna sa Aprika, 600 milyong dosis ang libreng donasyon at 400 milyong dosis ang magkakasamang ipoprodyus ng mga kompanyang Tsino at Aprikano.
 

Nauna rito, inisuplay na ng Tsina ang 200 milyong dosis na bakuna sa mga bansang Aprika. 
 

Bukod sa isyu ng kalusugan, ang nasabing 9 na proyekto ay kabibilangan pa ng pagbabawas ng kahirapan ng mga magsasaka, pagpapasulong ng kalakalan, pamumuhunan, inobasyong digital, berdeng pag-unlad at iba pang larangan at  puwedeng makatugon sa pangangailangan ng mga bansang Aprikano sa paglaban sa pandemiya, pagpapasigla ng kabuhayan pagkatapos ng pandemiya at sustenableng pag-unlad, ito ang balangkas na pangkooperasyon ng Tsina at mga bansang Aprikano para sa susunod na tatlong taon.   
 

Ang Aprika ay plataporma ng kooperasyong pandaigdig, hindi ito lugar ng kompetisyon ng mga malaking bansa. Nitong ilang taong nakalipas, patuloy na sinusubukan ng mga kanluraning pulitiko  na makialam sa relasyong Sino-Aprikano. Pero, ang bawat lansangan, tulay at paaralan na itinatag ng Tsina sa kontinenteng Aprikano ay naging pinakamabuting patunay sa pagkakaibigan ng dalawang panig.  
 

Mula sampung plano ng kooperasyon sa taong 2015, 8 ang naisakatuparan sa taong 2018, at  9 na proyekto sa kasalukuyan, ang relasyong Sino-Aprikano ay nasa bagong starting point ng pagtatatag ng isang komunidad na may pinagbabahaginang kapalaran. At tulad ng dati, nakahanda ang Tsina na ipatupad ang lahat ng pangakong ibinigay sa kapatid na Aprikano.
 

Salin: Sissi
 

Pulido: Mac

Please select the login method