Paglakip ng 12 kompanyang Tsino sa “entity list” ng Amerika, kapos sa batayan ng katotohanan—Ministri ng Komersyo ng Tsina

2021-11-26 16:17:43  CMG
Share with:

Ipinatalastas nitong Miyerkules, Nobyembre 24, 2021 ng Departamento ng Komersyo ng Amerika ang paglakip ng 12 kompanyang Tsino sa “entity list,” dahil nagbabanta sila sa pambansang kapakanang panseguridad o patakarang diplomatiko ng Amerika.
 

Bilang tugon dito, sinabi kahapon, Nobyembre 25, 2021 ni Tagapagsalita Shu Jueting ng Ministri ng Komersyo ng Tsina na ang nasabing aksyon ng panig Amerikano ay di-angkop sa komong palagay ng mga lider ng dalawang bansa, at di-makakabuti sa kapuwa panig, seguridad ng global industry chain at supply chain, at pagbangon ng kabuhayang pandaigdig.
 

Grabeng kapos sa batayan ng katotohanan ito, at di-maliwanag ang prosedyur. Inihayag ng panig Tsino ang mariing protesta dito, at ihaharap ang solemnang representasyon sa panig Amerikano, dagdag ni Shu.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method