Beijing Winter Olympic Truce Resolution, pinagtibay ng ika-76 na UNGA

2021-12-03 15:17:20  CMG
Share with:

Pinagtibay kahapon, Disyembre 2, 2021 sa New York ng Ika-76 na Pangkalahatang Kapulungan ng United Nations (UNGA) ang Beijing Winter Olympic Truce Resolution na magkasamang binuburador ng Tsina at International Olympic Committee (IOC).
 

Nanawagan ang resolusyon sa iba’t ibang panig na kasangkapanin ang palakasan sa pagsusulong ng kapayapaan, diyalogo at rekonsilyasyon.
 

Hinimok din nito ang iba’t ibang bansa na sundin ang Olympic Truce pitong araw bago buksan ang Beijing 2022 Olympic Winter Games at pitong araw matapos ang pagpipinid ng Beijing Paralympic Winter Games.
 

Sa kalagayang patuloy na pagkalat ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), nahaharap ang pag-unlad ng kabuhaya’t lipunan ng iba’t ibang bansa sa maraming pagsubok, at madalas na lumilitaw ang mga hamon sa larangan ng tradisyonal at di-tradisyonal na seguridad, iniharap ng nasabing resolusyon na dapat mabatid ang papel ng palakasan sa pagpapataas ng kakayahan ng buong mundo sa pagharap sa epekto ng pandemiya. Ipinagdiinan din nitong ang Beijing Winter Olympics ay magsisilbing pagkakataon para ipakita ang pagkakaisa at kakayahang bumagon ng sangkatauhan, at kahalagahan ng kooperasyong pandaigdig.
 

Ang resolusyong pinamagatang “Building a peaceful and better world through sport and the Olympic ideal,” ay pinagtibay ng 173 kasaping bansa.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method