Sinabi kahapon, Nobyembre 26, 2021, ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ipinalalagay ng kanyang bansa, na ang mga venue ng Winter Olympics ay lugar para magpaligsahan ang mga atleta, sa halip na lugar para maglaban ang mga puwersang pulitikal, at ang tunay na kilusan ng Olimpiyada ay hindi apektado ng panghihimasok na pulitikal.
Dagdag niya, kung sino ang boboykoteo sa Winter Olympic Games, sasalungat siya sa diwa ng Olimpiyada at pangunahing daloy ng opinyong publiko.
Binigyang-diin din ni Zhao, na sa ilalim ng pagbubuklod ng lahat ng mga mamamayang Tsino at malawakang pagsuporta ng komunidad ng daigdig, may lubos na kompiyansa at kakayahan ang Tsina, para ihandog sa daigdig ang maginhawa, ligtas, at kahanga-hangang Winter Olympic Games.
Editor: Liu Kai