Sa pamamagitan ng video link, sinaksihan kaninang hapon, Disyembre 3, 2021, nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Thongloun Sisoulith ng Laos ang pormal na pagsasaoperasyon ng China-Laos Railway.
Sa pagitan ng Kunming, lunsod sa timog kanluran ng Tsina, at Vientiane, kabisera ng Laos, ang China-Laos Railway ay may haba ng 1,035 kilometro.
Ito rin ang mahalagang proyektong nag-uugnayan ng Belt and Road Initiative ng Tsina at estratehiya ng Laos na pagiging "land-linked hub" mula dating "landlocked country."
Editor: Liu Kai