Pangulong Tsino, ipinagdiinan ang pagpapaunlad ng gawaing panrelihiyon sa kalagayang pang-estado

2021-12-05 09:32:40  CMG
Share with:

Pangulong Tsino, ipinagdiinan ang pagpapaunlad ng gawaing panrelihiyon sa kalagayang pang-estado_fororder_20211204Xireligion600

Mula noong Disyembre 3 hanggang 4, 2021, idinaos sa Beijing ang Pambansang Pulong ng Gawaing Panrelihiyon. Nangulo sa pulong si Premyer Li Keqiang ng Tsina.

Dumalo at bumigkas ng mahalagang talumpati si Pangulong Xi Jinping ng Tsina.

Ipinagdiinan ni Xi na dapat komprehensibong ipatupad ang teorya ng gawaing panrelihiyon ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) sa bagong siglo, komprehensibong ipatupad ang pundamental na patakaran ng CPC sa gawaing ito, at komprehensibong ipatupad ang patakaran ng CPC sa religious brief freedom.

Ani Xi, dapat igiit ang pagpapaunlad ng gawaing panrelihiyon ng bansa na angkop sa kalagayang pang-estado, aktibong isulong ang pagtutugma ng relihiyon at sosyalistang lipunan, pataasin ang lebel ng sariling pangangasiwa sa sirkulong panrelihiyon, at buong sikap na likhain ang bagong kalagayan ng gawaing panrelihiyon para mas mabuting organisahin at bigyang-patnubay ang mga grupong panrelihiyon at malawak na masa ng mga mamamayan sa pagkakaisa at pagpupunyag sa magkakasamang pagtatatag ng malakas at modernong bansang sosyalista at pagsasakatuparan ng dakilang pag-ahon ng Nasyong Tsino.


Salin: Lito

Please select the login method