Kalayaang panrelihiyon sa Xinjiang, lubos na iginagarantiya—Pangalawang Tagapangulo ng China Islamic Association

2020-11-06 16:49:26  CMG
Share with:

Ang paggalang at pangangalaga sa kalayaan ng relihiyon ay matagal ng isang pundamental na patakaran ng pamahalaang Tsino.
 

Si Abdussiker Hothemudura, Pangalawang Tagapangulo ng China Islamic Association, ay ipinanganak sa isang pamilyang Islamiko sa Xinjiang, at naramdaman niya mismo ang paggalang sa kalayaang panrelihiyon ng pamahalaan.
 

Kalayaang panreliihyon sa Xinjiang, lubos na iginagarantiya—Pangalawang Tagapangulo ng China Islamic Association_fororder_20201106Xinjiang1.PNG
 

Isinalaysay niyang pinangangalagaan ng batas ang ari-arian ng mga moske sa Xinjiang, at may lubos na garantiya ang mga normal na aktibidad na panrelihiyon. Aniya, nitong nakalipas na ilang taon, sa ilalim ng suporta at tulong ng pamahalaan, pinabuti nang malaki ang kondisyon ng serbisyong pampubliko ng mga moske sa buong Xinjiang.
 

Dagdag niya, sa kasalukuyan, may 10 eskuwelahang Islamiko sa Xinjiang. Tinutulungan ng pamahalaan ang mga eskuwelahang ito na pagandahin ang kalagayan, at sanayin ang mga guro. Kasabay nito, aktibong nakipagpalitan ang Xinjiang sa mga bansa’t organisasyong Islamiko, para mapalalim ang mapagkaibigang relasyon sa kanila at mapasulong ang pagpapalitan at pag-aaral sa magkakaibang sibilisasyon.
 

Napapatunayan ng katotohanan na ang patakaran sa kalayaang panrelihiyon ay komprehensibong ipinapatupad sa Xinjiang, at lubos na iginagarantiya ang karapatan sa pananampalatayang Islamiko, alinsunod sa batas.
 

Salin: Vera

Please select the login method