Beijing 2022 Winter Olympics: Luge, larong kinakailangan ang pag-upo at paghiga

2021-12-06 14:31:02  CMG
Share with:

Sa palarong Luge sa Winter Olympics, umuupo muna ang mga manlalaro, at kumakapit sila sa hawakan upang maghanda sa pagsisimula ng palaro.

Sled, larong kinakailangan ang pag-upo at paghiga_fororder_20211202Sled1600

Manlalarong mahigpit ang kapit sa hawakan bago mag-umpisa ang laban

Makaraang mag-umpisa ang palaro, sa pamamagitan ng pagkilos na paharap at paurong ng kanilang katawan, umaabante sila hanggang maabot ang pinakaangkop na bilis, pagkatapos nito’y ihihiga ang katawan ng mga manlalaro at gagamitin ang puwersa ng kanilang binti at katawan para bigyan ng pwersa ang iba’t-ibang parte ng sled at kontrulin ang direksyon ng pagdausdos patungo sa matagumpay na destinasyon.

Sled, larong kinakailangan ang pag-upo at paghiga_fororder_20211202Sled3600

Luge World Championships sa taong 2021

Nagmula ang sledding sa Switzerland at rehiyon ng Hilagang Europa. Nailakip ito sa pormal na palaro sa Innsbruck Winter Olympics noong taong 1964.

Gaganapin sa National Sledding Center sa distritong Yanqing, Beijing ang apat na events sa nalalapit na Beijing Winter Olympics na pagmumulan ng apat na medalyang ginto.

Magkapareho ang karerahang ginagamit sa palarong sled at bobsleigh, ngunit magkaiba ang kanilang punto ng umpisa. 1,000 hanggang 1,350 metro ang haba ng ruta ng men’s sled event, at 800 hanggang 1,200 metro naman ang haba ng ruta ng women’s sled event. 1.5 metro ang maximum na lapad at mayroong 11 hanggang 18 bends o kurbada ang buong karerahan.

Sled, larong kinakailangan ang pag-upo at paghiga_fororder_20211202Sled2600

Sled, larong kinakailangan ang pag-upo at paghiga_fororder_20211202Sled4600

Luge World Championships sa taong 2021

Kailangang espesyal na idisenyo ang gradiyente ng karerahan, at kailangang panatilihin ang 100 hanggang 150 metro ng bahada. Makaraang sumulong ng mga 250 metro ang manlalaro, maaari silang makaabot sa bilis ng 80 kilometro kada oras.

Sled, larong kinakailangan ang pag-upo at paghiga_fororder_20211202Sled5600

May mga bends o kurbada sa karerahan

Ang bigat ng sled para sa isang tao ay mula 21 hanggang 25 kilo, at nasa 25 hanggang 30 kilo ang sled para sa 2 tao.

Ayon sa panuntunan ng sledding, pinahihintulutan ang pagdagdag ng mga manlalaro ng pabigat ng kanilang sled sa pamamagitan ng bob-weight. Ngunit kung lalampas ang bob-weight sa naitadhanang saklaw, sila ay aalisin o magiging diskwalipikado sa paglahok sa palaro.


Salin: Lito
Pulido: Mac

Please select the login method