Sa kanyang talumpati sa seremonya ng pagbubukas ng International Forum on Democracy: The Shared Human Values nitong Sabado, Disyembre 4, 2021, inilahad ni Shen Haixiong, Presidente ng China Media Group (CMG) ang masasamang bungang dulot ng sapilitang pagpapalaganap ng “demokrasyang Amerikano.”
Tanong ni Shen, tinamasa ba ni George Floyd ang demokrasya at karapatang-pantao nang ipitin ng isang pulis ang kanyang leeg sa pamamagitan ng tuhod?
Saad ni Shen, bilang pangunahing media at pambansang telebisyong may malaking impluwensiyang pandaigdig, may responsibilidad at obligasyon ang CMG na ipatupad ang mga pananagutan ng isang pandaigdigang media.
Dagdag niya, patuloy na ikokober ng CMG ang mga katotohanan, ikakalat ang mga kuwento ng demokrasya, at pasusulungin ang pagbuo ng positibo’t malusog na kapaligiran ng pandaigdigang opinyong publiko.
Kasabay nito, hindi aniya hahayaang lumaganap ang panlilinlang sa publiko upang maisulong ang personal na kapakanang pulitikal, hegemonismo, rasismo, at pagkiling na ideolohikal.
Salin: Vera
Pulido: Rhio