Inilabas ngayong araw, Disyembre 5, 2021 ng Ministring Panlabas ng Tsina ang ulat hinggil sa kalagayan ng demokrasya ng Estados Unidos.
Sa pamamagitan ng katotohanan, datos, at kuru-kuro ng mga organo, personahe at dalubhasa ng iba’t ibang bansa, nilagom ng nasabing ulat ang mga kamalian at kakulangan ng demokratikong sistema ng Amerika, inanalisa ang kaguluhan ng praktika ng demokrasya sa loob ng Amerika at kapinsalaan ng pagpapalaganap nito ng umano’y demokrasya sa labas ng bansa.
Anang ulat, para sa kasalukuyang Amerika, dapat totohanang igarantiya ang demokratikong karapatan at kapakanan ng mga mamamayan sa loob ng bansa, at kumpletuhin ang sariling demokratikong sistema, samantalang isabalikat ang mas malaking responsibilidad na pandaigdig, at ipagkaloob ang mas maraming produktong pampubliko.
Dagdag ng ulat, sa kasalukuyan, nahaharap ang komunidad ng daigdig sa mga pangkagipitang hamong pandaigdig na gaya ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019, pagbagal ng paglago ng kabuhayan, krisis sa pagbabago ng klima at iba pa. Dapat itakwil ng iba’t ibang bansa ang zero-sum game, ipatupad ang tunay na multilateralismo, at magkasamang buuin ang komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng sangkatauhan.
Salin: Vera
Pulido: Lito