Ipinatawag kahapon, Disyembre 6, 2021, ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), ang pulong ng Pulitburo ng partido, para pag-aralan ang gawaing pangkabuhayan sa taong 2022.
Ayon sa pulong, ang pagpapanatili ng katatagan ng kabuhayan ay pinakamalaking priyoridad sa susunod na taon.
Dapat maging matatag at epektibo ang mga patakaran sa makro-ekonomiya, at patuloy na isasagawa ng bansa ang proaktibong fiscal policy at maingat na monetary policy.
Isasagawa rin ng Tsina ang mga hakbangin para palakasin ang kasiglahan ng pag-unlad, sa mga aspektong gaya ng pagpapalawak ng pangangailangang panloob, pagpapasulong ng tuluy-tuloy na pagbangon ng konsumpsyon, pagdaragdag ng epektibong pamumuhunan, at iba pa.
Samantala, inayos sa pulong ang gawain tungkol sa paglaban sa katiwalian, at sinuri ang mga regulasyon tungkol sa inspeksyon ng disiplina ng CPC.
Editor: Liu Kai