“Ang Amerika ay isang bansang pinamamahalaan ng mga mayaman at makapangyarihang tao sa halip ng isang demokratikong bansa.” Ito ang winika kamakailan ni Kishore Mahbubani, iskolar ng Singapore sa isang panayam.
Sa katotohanan, hindi na isang sekreto sa Amerika ang paglilingkod ng “demokrasya” sa mga mayaman at makapangyarihang tao at pagsupil ng pera sa kapangyarihan.
Napapatunayan ng napakaraming katotohanan na pinag-ugatan ng pulitikang Amerikano ang pera na sumasaklaw sa lahat ng parteng gaya ng eleksyon, lehislatura, at administrasyon.
Sa mga nakaraang halalan sa Amerika, 91% nagwagi ay ang mga kandidatong nakakuha ng pinakamaraming suportang pondo. Ibig sabihin, ang demokrasyang may istilong Amerikano ay isang “laro ng mayayamang tao.”
Kung yumuyukod ang mga politikong Amerikano sa pera, tiyak na naglilingkod ang kanilang kapangyarihan para sa iilang mayamang tao, at ang mga kahilingan at kapakanan ng di mabilang na karaniwang mamamayan nito ay binabalewala.
Ayon sa isang ulat tungkol sa 163 bansa na isinagawa noong isang taon, nitong sampung taong nakalipas, bumaba ang “Society Development Index” ng tatlong bansa lang na kinabibilangan ng Amerika. Pinakamalaki rin ang pagbaba ng pangkalahatang indeks sa Amerika.
Mahigit isang daang taon na ang nakararaan, minsa’y sinabi ni Louis Dembitz Brandeis, Associate Justice ng Supreme Court ng Amerika, na sa Amerika, iisang uri lang ang demokrasya o pagmamay-ari ng iilang tao ng yaman.
Kung nagiging mahirap na tanggalin ang “tumor” ng money politics sa lipunang Amerikano, ang pagtataguyod ng pamahalaang Amerikano ng umano’y “Summit for Democracy” ay talagang sobrang kakutya-kutya.
Salin: Lito
Pulido: Mac