CMG Komentaryo: Madugong baril, naglalantad sa pagpapaimbabaw ng“demokrasyang Amerikano”

2021-12-08 12:22:31  CMG
Share with:

CMG Komentaryo: Madugong baril, naglalantad sa pagpapaimbabaw ng“demokrasyang Amerikano”_fororder_微信截图_20211208210212

 

Ang“pangangalaga sa karapatang pantao”ay isa sa mga katuwirang ginagamit ng Amerika para palaganapin ang di-umano’y “demokrasyang Amerikano.” Pero, ang walang kontrol sa pagmamay-ari ng baril sa Amerika ay nagsisilbing banta sa buhay at saligang karapatang pantao ng bawat karaniwang mamamayang Amerikano.  

 

Ayon sa datos, may mga 393 milyong baril ang mga Amerikano, at ito ang pinakamalaking bilang sa daigdig. Samantala, pinakamahina ang sistemang pambatas ng bansa para makontrol ang pagkakaroon ng baril. Ang posibilidad na ang isang Amerikano ay mabibiktima ng karahasan sa pamamagitan ng baril ay 24 na beses na mas malaki kumpara sa mamamayan ng iba pang mga maunlad na bansa.

 

Kaugnay nito, inilabas kamakailan ng Chongyang Institute for Financial Studies ng Renmin University of China (RDCY), think tank na nakabase sa Beijing, ang ulat na pinamatagang “Sampung Tanong para sa Demokrasyang Amerikano.” 

 

 Ayon sa ulat na ito, mahigit 38,000 kamatayan sa Amerika kada taon ang may kaugnayan sa baril, at 20% ng mga ito ay mga bata na may edad mula 1 hanggang 17.  Dagdag pa ng ulat, 4% lamang ang populasyon ng Amerika sa daigdig, pero 35% ng mga namamatay sa mundo dahil sa baril ay mula sa Amerika.

 

Itinuturing ng Amerika ang sarili bilang “parola ng demokrasya” at “tagapagtanggol ng demokrasya.” Ngunit, bunsod ng maraming namatay at nagpakamatay gamit ang baril, bakit wala pang epektibong hakbangin at batas ang pamahalaang Amerikano?

 

Ang sistemang pulitikal at pambatas ng Amerika ay direktang dahilan kung bakit hindi isinasabatas ang panukala sa pagkontrol sa pagmamay-ari ng sandata. Kasabay nito, magkakaiba rin ang paninindigan ng pamahalaang pederal at mga pamahalaang lokal sa pagkakaroon ng baril. Higit pa rito, may pagtatalo rin sa usaping ito ang Partido Demokratiko at Partido Republikano.

 

Tungkol naman sa pagkontrol sa baril, ang “pulitika ng pera o money politics” ay isa pang pangunahing problema. Ang National Rifle Association (NRA) ng Amerika na may mahigit 5 milyong miyembro ay may napakamalaking impluwensiya sa halalang pampanguluhan, halalan ng kongreso, at paghirang sa mga mahistrado ng Korte Suprema ng bansa.

 

Dahil sa naturang mga elemento, ang katotohana’y patuloy na lumalakas ang panawagan ng mga mamamayang Amerikano sa pagkontrol sa baril, pero,  nagsasawalang-kibo naman ang mga pulitikong Amerikano.

 

Sa isyu ng pagkontrol ng baril, lantad-lantaran ang kakulangan ng di-umano’y demokrasyang Amerikano.

 

Salin: Jade

Pulido: Rhio

Please select the login method