Kuwalipikado ba ang Amerika na itaguyod ang “Summit for Democracy”?

2021-12-08 11:37:50  CMG
Share with:

Hinggil sa pananalita ng panig Amerikano na layon di-umanong itaguyod ng “Summit for Democracy” na “ipagtanggol” ang demokrasya, itinanong nitong Martes, Disyembre 7, 2021 ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina, sa kabila ng pambabale-wala ng Amerika sa demokrasya, kuwalipikado ba itong itaguyod ang nasabing summit?

Sinabi ni Zhao na ayon sa kaukulang imbestigasyon at ulat, ipinalalagay ng 45% ng mga Amerikano na hindi maayos ang takbo ng demokrasya sa kanilang bansa, at 52% naman ng mga batang Amerikano ang may palagay na bigo ang demokrasyang may istilong Amerikano.

Bukod pa riyan, sinabi ni Zhao na sa tingin ng 81% ng mga mamamayang Amerikano, na nahaharap ang demokrasyang Amerikano sa malubhang banta mula sa loob ng bansa, at 17% lamang ang naniniwalang karapat-dapat na gayahin ang demokrasyang may istilong Amerikano.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method