Ayon sa ulat, tinanggihan kamakailan ng Hungary ang mungkahi ng ibang bansa ng Unyong Europeo (EU) hinggil sa pagbibigay-ambag sa pagtataguyod ng Amerika ng umano’y “Summit para sa Demokrasya.”
Kaugnay nito, inihayag nitong Lunes, Disyembre 6, 2021 ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina na ang pagtataguyod ng panig Amerikano ng nasabing summit ay sakim na tangka para buuin ang mga alyansa sa komunidad ng daigdig, at pukawin ang pagkakawatak-watak at konprontasyon.
Aniya, ang EU ay isang mahalagang nagsasariling puwersa sa multilateral na daigdig, kaya dapat igiit ang estratehikong awtonomiya, ipatupad ang tunay na multilateralismo, at patingkarin ang katatagan at positibong puwersa para sa mundo.
Salin: Vera
Pulido: Mac