Mensaheng pambati, ipinadala ni Xi Jinping kaugnay ng Ika-60 Anibersaryo ng Kasarinlan ng rehiyon ng Tanganyika, Tanzania

2021-12-09 16:33:45  CMG
Share with:

Isang mensahe ang ipinadala ngayong araw, Disyembre 9, 2021 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa kanyang Tanzanian counterpart na si Samia Suluhu Hassan, bilang pagbati sa ika-60 anibersaryo ng kasarinlan ng rehiyon ng Tanganyika ng bansa.
 

Diin ni Xi, sa ilalim ng magkasamang pagsisikap ng mga dating pamahalaan at lahat ng mga mamamayan ng Tanzania, masiglang umuunlad ang pambansang konstruksyon ng bansa at kapansin-pansin ang natamong bunga.
 

Aniya, lubos niyang pinahahalagahan ang pag-unlad ng relasyong Sino-Tanzanian, at nakahanda siyang magpunyagi, kasama ni Pangulong Hassan, para mapasulong ang walang humpay na pag-a-upgrade ng komprehensibo’t kooperatibong partnership na may mutuwal na kapakinabangan at win-win na resulta ng dalawang bansa.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method