Talastasan sa isyung nuclear ng Iran, patuloy na gaganapin sa Vienna sa Disyembre 9

2021-12-08 15:34:37  CMG
Share with:

Sinabi kahapon, Disyembre 7, 2021 ni Ali Bagheri Kani, Pangalawang Ministrong Panlabas at Chief Nuclear Negotiator ng Iran, na patuloy na idaraos sa Vienna, kabisera ng Austria, sa Disyembre 9 ang talastasan ng mga kaukulang panig ng Joint Comprehensive Plan of Action (JCPOA).
 

Sa kanyang panayam sa Pambansang Telebisyon ng Iran nang araw ring iyon, inihayag ni Bagheri Kani na iniharap ng Iran ang dalawang “napaka-kapaki-pakinabang at konstruktibong proposal” hinggil sa pagpapaalis ng sangsyon sa Iran at mga aktibidad na nuklear.
 

Ito aniya ay mabisang makakapagpasulong sa proseso ng talastasan.
 

Umaasa aniya siyang isasagawa ng mga bansang kanluranin ang aktuwal na aksyon, para mapasulong ang mas mabilis na takbo ng talastasan.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method