Pagkaraang matigil ng limang buwan, gaganapin mamayang gabi ang talastasang nuklear ng Iran sa Vienna, Austriya.
Ayon sa opinyon ng publiko, nananatiling malaki ang di pagkakaunawaan sa pagitan ng Amerika at Iran, at tila pawang hindi susuko ang magkabilang panig, kaya hindi malinaw ang kahihinatnan ng talastasan.
Ayon sa ulat ng media ng Amerika, sa kasalukuyan itinuturing ng Amerika ang talastasang nuklear na pinakamabuting paraan, kung mabibigo ang talastasan, isasaalang-alang ng Amerika ang ibang opsyon para mapigilan ang Iran sa pagtamo ng santadang nuklear.
Samantala, ipinahayag ng Iran na kung hindi makakatugon ang talastasan sa kahilingan nila o ibig sabihin, hindi aalisin ng Amerika ang sangsyon nang walang anumang kondisyon, isasagawa ng Iran ang katugong hakbang.
Salin: Sissi
Pulido: Mac