Pag-iwas sa pagsasapulitika ng palakasan, panawagan ng komunidad ng daigdig

2021-12-15 10:43:33  CMG
Share with:

Ipinahayag kamakailan ng Venezuela ang protesta sa hindi pagpapadala ng Amerika ng mga opisyal sa gaganaping Beijing Winter Olympics. Tinukoy nitong ito ay ganap na paglilinlang na pulitikal ng iilang bansa para sa pagdungis at pag-atake sa Tsina.

Bukod dito, kinondena rin ng Cuba ang mga hakbang ng ilang bansa na hadlangan ang maayos na pagdaraos ng Beijing Winter Olympics.

Kaugnay nito, tinukoy nitong Martes, Disyembre 14, 2021 ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina, na bukod sa Venezuela at Cuba, magkakasunod na ipinahayag ng mga lider at matataas na opisyal ng maraming bansa na hindi dapat isapulitika ang Olympic Games.

Ipinaabot din nila ang kanilang suporta sa maalwang pagdaraos ng Beijing Olympics, ani Wang.

Dagdag ni Wang, ang paggalang sa prinsipyong walang pinapanigan sa Olympic Games, at pag-iwas sa pagsasapulitika ng palakasan, ay komong panawagan ng komunidad ng daigdig, partikular ng mga Olympic committees at manlalaro ng iba’t-ibang bansa.


Salin: Lito
Pulido: Mac

Please select the login method