Tsina: mga pulitikal na palabas kaugnay ng Beijing Winter Olympics, taliwas sa diwa ng Olimpiyada

2021-12-10 16:53:21  CMG
Share with:

Bilang tugon sa pahayag ng Britanya at Kanada na hindi sila magpapadala ng mga diplomatikong kinatawan sa Beijing Winter Olympic Games, sinabi kahapon, Disyembre 9, 2021, ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina, na mula pa sa simula, hindi nagbigay ang panig Tsino ng imbitasyon sa naturang mga bansa.

 

Dagdag niya, magtatagumpay ang Beijing Winter Olympic Games, kahit mayroon man o walang opisyal mula sa mga bansang ito.

 

Sinabi rin ni Wang, na ang iilang bansang gaya ng Amerika, Australya, Britanya, at Kanada, ay hindi lamang tumanggi sa paglagda sa United Nations resolution on Olympic Truce for the Beijing Winter Games, kundi nagpahayag din ng hindi pagpapadala ng mga opisyal sa palarong ito. Ang mga ito aniya ang pulitikal na palabas na walang kinalaman sa palakasan.

 

Ito rin ay taliwas sa diwa ng Olimpiyada, at makakasira ng usapin ng Olimpiyada, dagdag ni Wang.

 

Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos

Please select the login method