Pagsuporta sa Beijing Winter Olympic, ipinanawagan ng Olympic Summit

2021-12-14 10:37:28  CMG
Share with:

Sa pamamagitan ng video link, idinaos kamakailan ng International Olympic Committee (IOC) ang Ika-10 Olympic Summit.

Sa deklarasyong inilabas sa opisyal na website ng IOC, ipinahayag nito ang buong tinding pagtutol sa anumang pagsasapulitika ng Olimpiyada at palakasan.

Diin pa nito, dapat walang pinapanigan ang IOC at buong Olympic Games.

Kaugnay nito, ipinahayag nitong Lunes, Disyembre 13, 2021 ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina, na pinatutunayan ng nasabing deklarasyon na hindi susuportahan ng mga tao at tiyak na mabibigo ang anumang hakbang na gagamit sa Beijing Winter Olympics para sa panlilinlang na pulitikal.


Salin: Lito
Pulido: Mac

Please select the login method