CMG Komentaryo: Paano pa maikukubli ang tunay na mukha ng Demokrasyang Amerikano sa harap ng mga datos ng pandemya ng COVID-19

2021-12-15 22:22:35  CMG
Share with:

Ayon sa pinakahuling datos ng Johns Hopkins University ng Amerika kahapon, Disyembre 13, 2021, umabot na sa mahigit 50 milyon ang kabuuang bilang ng mga naitalang kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa bansa at halos 800 libo ang mga pumanaw sa Amerika na naging pinakamalaki sa buong mundo.
 

Bukod sa hinagpis at kalungkutan, nararamdaman ng mga   mamamayang Amerikano ang sama ng loob. Sa katatapos na Summit for Democracy ng Amerika,  ipinagmamalaki ng mga pulitiko ang kalagayan ng karapatang pantao sa Amerika.
 

50 milyon at 800 libo, ano ang kahulugan ng nasabing dalawang numero?
 

Ang 50 milyon ay katumbas sa 20% ng kabuuang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong daigdig. At ang 800 libo ay mas marami kumpara sa kabuuang bilang ng mga kasuwalting Amerikano sa WWI, WWII, Digmaan ng Korea, Biyetnam, Iraq at Afghanistan.
 

Kung babalikan ang kabuuang proseso ng pagkalat ng pandemya,  nakita ng buong mundo kung paano naantala ang  mga gawain ng paglaban sa pandemya sa Amerika dahil inuna ng mga pulitiko ang sariling interes.
 

Sa pagtugon sa pandemya, kanya-kanya ang pamahalaang pederal at pang-estado, nagbabangayan ang Democratic Party at Republican Party. Magbabakuna ba o hindi, magmamask ba o hindi? Ang mga hakbangin ng paglaban sa pandemiya ay naging pulitikal at naging pokus ang pag-aaway ng dalawang partido at kani-kanilang mga taga-suporta. Ang sistemang demokratiko ng Amerika ay naging hadlang sa mga gawain ng paglaban sa pandemiya. 

Salin: Sissi
 

Pulido: Mac

Please select the login method