Ipinahayag kahapon, Disyembre 9, 2021, ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina ang pagtutol ng kanyang bansa sa paninirang-puri ng Amerika sa normal na kooperasyon ng Tsina at Kambodya, at pagpataw ng sangsyon sa Kambodya.
Nauna rito, ipinatalastas ng Kagawaran ng Komersyo ng Amerika ang arms embargo at restriksyon sa kalakalan sa Kambodya, sa pangangatwiran ng di-umanong paglapastangan nito sa karapatang pantao, katiwalian, at lumalaking impluwensiyang militar ng Tsina sa bansang ito.
Sinabi rin ni Wang, na buong tatag na sumusuporta ang Tsina sa pangangalaga ng Kambodya sa soberanya at dignidad ng bansa, at lagi ring pumapanig ito sa mga mamamayang Kambodyano.
Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos