Pagresolba ng makataong krisis sa Afghanistan, ipinanawagan ng IOC sa komunidad ng daigdig

2021-12-20 16:10:03  CMG
Share with:

Ginanap nitong Linggo, Disyembre 19, 2021 sa Islamabad, kabisera ng Pakistan, ang ika-17 espesyal na pulong ng Konseho ng mga Ministrong Panlabas ng Organisation of Islamic Cooperation (OIC).
 

Dito ay pinag-ukulan ng pansin ang isyu ng Afghanistan, at ipinanawagan sa komunidad ng daigdig na tulungan ang Afghanstan, para resolbahin ang makataong krisis na kinakaharap nito.

Pagresolba ng makataong krisis sa Afghanistan, ipinanawagan ng IOC sa komunidad ng daigdig_fororder_20211220OIC

Sa news briefing pagkatapos ng pulong, inihayag ni Shah Mahmood Qureshi, Ministrong Panlabas ng Pakistan, na pinagtibay sa pulong ang resolusyon hinggil sa makataong kalagayan ng Afghanistan, at ipinasiyang ipagkaloob ang tulong sa mga mamamayang Afghan, sa pamamagitan ng maraming hakbangin.
 

Sinabi naman ni Hissein Brahim Taha, Pangkalahatang Kalihim ng OIC, na ang nasabing pulong ay makakatulong sa pagresolba sa makataong krisis sa Afghanistan.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method