Nagbabala nitong Lunes, Nobyembre 22, 2021 ang United Nations Development Programme (UNDP) na dahil sa pagbabawas ng deposito sa mga bangko, mabilis na pagtaas ng non-performing loans (NPL) ratio, at kakulangan sa sirkulasyon, posibleng bumagsak ang sistemang pinansyal ng Afghanistan sa loob ng ilang buwan.
Ipinalalagay ng ulat na kung babagsak ang sistema ng bangko ng Afghanistan, magbubunsod ito ng napakalaking kapinsalaang ekonomiko at negatibong epektong panlipunan.
Magulo ang sistema ng pinansya at pagbabayad ng bangko ng Afghanistan. Dapat resolbahin ang isyu ng bank run, upang mapataas ang limitadong kakayahan sa produksyon ng Afghanistan, at pigilan ang pagbagsak ng sistema ng bangko, ayon sa nasabing ulat.
Salin: Vera
Pulido: Mac