Ulat tungkol sa demokrasyang Amerikano, ipinalabas ng CSHRS

2021-12-23 15:12:07  CMG
Share with:

Ipinalabas Huwebes, Disyembre 23, 2021 ng China Society for Human Rights Studies (CSHRS) ang ulat na pinangalanang “Limitasyon at Disbentahe ng Demokrasyang Amerikano.”

Sistematiko nitong inilahad ang katangiang pulitikal ng demokrasyang Amerikano at limitasyong historikal at pragmatikong disbentahe nito.

Anang ulat, lubos ngayong nababatid ng parami nang paraming bansa at mamamayan na di-puwedeng katawanin at idikta ng demokrasyang Amerikano ang direksyon ng pag-unlad ng demokrasya ng mundo sa hinaharap.

Sa pundasyon ng pagsasarili, nararapat tahakin ng mga mamamayan ng iba’t-ibang bansa ang landas ng demokratikong pag-unlad na may katangian ng kanila-kanilang sariling bansa, diin ng ulat.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method