Ayon sa ulat, hindi binibigyan ng malaking pansin ng komunidad ng daigdig ang umano’y Summit for Democracy na itinaguyod ng Amerika, at binatikos ng mga pangunahing media ang nasabing summit. Ipinakikita nitong hindi katanggap-tanggap ang pag-aalaga sa sariling kapakanan ng Amerika sa ngalan ng demokrasya.
Kaugnay nito, ipinahayag nitong Lunes, Disyembre 13, 2021 ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina na talagang hinubad ng nasabing summit ang mapagkunwaring maskara ng Amerika bilang tagapagtanggol ng demokrasya, at naibunyag ang tunay na mukha nito bilang “tagasira sa demokrasya.”
Salin: Lito
Pulido: Mac