Idinaos kahapon, Disyembre 24, 2021, sa Kabul, Afghanistan, ang seremonya bilang pagsisimula ng pamamahagi ng mga makataong tulong na materyal na kaloob ng Tsina.
Inihatid sa 34 na lalawigan ng bansang ito ang mga tulong na materyal na nagkakahalaga ng 10 milyong yuan RMB.
Sa seremonya, sinabi ni Khalil-ur-Rahman Haqqani, Acting Minister of Refugees and Repatriations ng pansamantalang pamahalaan ng Afghanistan, na ang Tsina ay isang mabuting kapitbansa, at lubos na pinasasalamatan ng Afghanistan ang Tsina sa pagkakaloob ng naturang mga tulong na materyal na lubos na mahalaga para sa bansang ito.
Editor: Liu Kai
Tsina, nanawagang pag-ibayuhin ang pagbibigay ng makataong saklolo sa Afghanistan
Pagresolba ng makataong krisis sa Afghanistan, ipinanawagan ng IOC sa komunidad ng daigdig
Pag-i-isyu ng Visa ng pansamantalang pamahalaang Afghan, mapapanumbalik
Makataong tulong na donasyon ng Tsina, dumating ng Afghanistan