Umano’y “Uyghur Forced Labor Prevention Act,” lantarang nagbabaligtad sa katotohanan

2021-12-26 14:30:36  CMG
Share with:

Bilang tugon sa pagsasabatas kamakailan ng Amerika ng umano’y “Uyghur Forced Labor Prevention Act” kung saan lantarang pinanghihimasukan ng Amerika ang mga suliranin ng Xinjiang at suliraning panloob ng Tsina, ipinahayag sa Beijing nitong Sabado, Disyembre 25, 2021 ni Xu Guixiang, Tagapagsalita ng Pamahalaan ng Rehiyong Awtonomo ng Lahing Uygur ng Xinjiang, na ito ay maling gawain at  pagpapakita ng hegemonya ng Amerika.

Sinabi ni Xu na ang umano’y “Uyghur Forced Labor Prevention Act” ay grabeng nagbabaligtad sa tunay na kalagayan ng industriya ng paggawa sa Xinjiang.

Bukod pa riyan, ito aniya ay lantarang lumalabag sa pandaigdigang batas at pundamental na norma ng relasyong pandaigdig.

Diin pa niya, ang mga ginagawa ng Amerika ay hindi makakaapekto sa prosesong historikal ng pag-unlad ng Xinjiang, at sa halip ay nagbubunyag ng masama nitong kalooban at tangka.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method