Ilegal na ipinapataw ng panig Amerikano ang sangsyon laban sa apat na opisyal ng Tsina, batay sa domestikong batas nito sa ilalim ng katuwiran ng umano’y isyu ng karapatang pantao sa Xinjiang. Kaugnay nito, ipinatalastas kamakailan ng panig Tsino ang kaparehong ganting-sangsyon laban sa apat na tauhang Amerikano, batay sa Anti-Foreign Sanctions Law ng Tsina.
Ang ganitong kilos ng panig Tsino ay hindi lamang nagpapakita ng buong tatag na pagtatanggol sa soberanya, seguridad at kapakanang pangkaunlaran ng bansa, kundi nangangalaga rin sa simulain ng di-pakikialam sa mga suliraning panloob ng ibang bansa at pagkakapantay-pantay ng soberanya.
Ipinamamalas nito ang malinaw na pakikitungo ng Tsina sa pagtutol sa hegemonismo at power politics.
Ang umano’y sangsyon ng panig Amerikano laban sa mga kaukulang personaheng Tsino ay nababatay lamang sa kasinungalingan at pekeng impormasyon, at wala itong alinmang batayan.
Hinding hindi mapagtatakpan ng mga “internet marketer sa karapatang pantao” ng Amerika ang katotohanan, at tiyak na mabibigo ang tangka ng puwersang banyaga na sikilin ang Tsina sa pamamagitan ng isyu ng Xinjiang.
Dapat iurong sa lalong madaling panahon ng panig Amerikano ang umano’y sangsyon laban sa mga opisyal na Tsino, at itigil ang pakikialam sa mga suliranin ng Xinjiang at mga suliraning panloob ng Tsina.
Kung ipagpipilitan ng panig Amerikano ang sariling paninindigan, gagawin ng panig Tsino ang ibayo pang ganting hakbangin, batay sa pagsulong ng kalagayan.
Salin: Vera
Pulido: Rhio