Tsina, tumututol sa "Uygur Forced Labor Prevention Act" ng Amerika

2021-12-25 18:57:23  CMG
Share with:

Magkakahiwalay na ipinahayag ng National People's Congress, Chinese People's Political Consultative Conference, at pamahalaan ng Xinjiang Uygur Autonomous Region ng Tsina, ang buong tinding pagtutol sa "Uygur Forced Labor Prevention Act" ng Amerika.

 

Anila, ang paggawa ng batas na ito ay isa pang pagkakalat ng Amerika ng kasinungalingan ng umano'y "forced labor" sa Xinjiang, at pakikialam sa mga suliraning panloob ng Tsina.

 

Sa pamamagitan ng video link, lumahok naman ngayong araw, Disyembre 25, 2021, sa preskon ng pamahalaan ng Xinjiang Uygur Autonomous Region ang isang magsasaka ng bulak na galing sa Kashgar, isang lunsod ng Xinjiang.

 

Ayon sa kanya, sa kasalukuyan, ang paggamit ng mga makina ay sumasaklaw na sa iba't ibang aspekto ng pagtatanim ng bulak, na gaya ng pag-aararo ng lupain, paghahasik ng mga buto, pagdidilig, pagbibigay ng pataba, pag-aalis ng sukal na damo, at pag-aani.

 

Aniya, hindi kinakailangan ang malaking bilang ng mga manggagawa, at hindi totoo ang umano'y "pinilit ang mga etnikong minorya na mag-ani ng bulak" na sinasabi ng panig Amerikano.

 

Editor: Liu Kai

Please select the login method