Hegemonyang pangkalakalan ng Amerika, matinding tinututulan ng CEC

2021-12-26 14:25:12  CMG
Share with:

Isinabatas kamakailan ng panig Amerikano ang umano’y “Uyghur Forced Labor Prevention Act” kung saan nakasaad na ang ng lahat ng produktong inipoprodyus sa Xinjiang ay mula sa “sapilitang pagpapatrabaho.”

Dahil dito, ipinagbabawal ng batas ang pag-aangkat ng anumang produktong nagmumula sa Xinjiang.

Kaugnay nito, ipinalabas nitong Sabado, Disyembre 25, 2021 ng China Enterprise Confederation (CEC) ang solemnang pahayag bilang mariing pagtutol sa hegemonyang pangkalakalan ng Amerika na humahadlang sa pagpasok ng mga produkto ng Xinjiang sa global supply chains sa pamamagitan ng unilateral na lehislasyon at hakbanging administratibo.

Buong tatag ding sinusuportahan ng CEC ang rehiyong awtonomo ng lahing Uygur ng Xinjiang at mga bahay-kalakal nito sa pangangalaga sa sariling lehitimong karapatan at kapakanan.

Anang pahayag, binabalewala ng panig Amerikano ang katotohanan sa pagkakapatibay ng mosyong may kaugnayan sa Xinjiang, at isinusulong ang unilateralismo, proteksyonismo, at hegemonya, bagay na malubhang nakakapinsala sa lehitimong karapatan at kapakanan ng mga kompanyang Tsino, at malawak na masa ng mga manggagawang kinabibilangan ng mga manggagawang Uygur.

Bukod pa riyan, grabe rin itong nakakapinsala sa pundamental na karapatang pantao ng mga mamamayan ng iba’t-ibang nasyonalidad ng Xinjiang, makakasira sa katatagan ng global supply at industrial chains at kapakanan ng mga kaukulang kompanya.

Dagdag ng pahayag, ang hakbang ng Amerika ay hindi rin nakakatulong sa pagbangon ng kabuhayang pandaigdig sa ilalim ng pandemiya ng COVID-19.

Tinukoy ng pahayag na ganap na sumasang-ayon ang CEC at mga kompanyang Tsino sa kaukulang posisyon at isinasagawang kinakailangang katugong hakbangin ng pamahalaang Tsino.

Mahigpit din itong nananawagan sa panig Amerikano na tumpak na pakitunguhan ang solemnang posisyon ng pamahalaang Tsino, sirkulo ng bahay-kalakal, at mga mamimili, at itigil ang pagpinsala sa lehitimong karapatan at kapakanan ng mga kompanyang Tsino sa iba’t-ibang porma, bumalik sa katuwiran, at agarang iwasto ang mali nitong nagawa.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method