Network ng transportasyon ng Tsina, mabilis na pinabubuti

2021-12-26 14:28:38  CMG
Share with:

Pagpasok ng kasalukuyang taon, magkakasunod na nagsimula at natapos ang konstruksyon ng isang serye ng malalaking proyektong pantransportasyon ng Tsina.

Sa pamamagitan nito, mabilis na napabuti ang komprehensibong network ng transportasyon ng bansa.

Ayon sa pambansang pulong tungkol sa komunikasyon at transportasyon na idinaos kamakailan, noong unang 11 buwan ng kasalukuyang taon, 3.28 trilyong Yuan RMB ang halaga ng fixed assets investment ng Tsina sa komunikasyon; tinatayang lumampas sa 9 libong kilometro ang buong haba ng itatayong expressway sa buong  2021; mahigit 160 libong kilometro ang haba ng bagong itatayong lansangan sa kanayunan; at mahigit 1 libong kilometro ang karagdagang haba ng rail transit na gagawin sa kalunsuran.

Kasabay ng pagiging mas kompleto ng network pantrapiko ng Tsina, ibayo pang tumataas ang kakayahan ng transportasyon, at ibayo pang bumubuti ang estruktura nito.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method