Intel humingi ng paumanhin kaugnay ng pananalita sa Xinjiang; Tsina umaasang igagalang nito ang katotohanan

2021-12-24 15:59:12  CMG
Share with:

Intel humingi ng paumanhin kaugnay ng pananalita sa Xinjiang; Tsina umaasang igagalang nito ang katotohanan_fororder_20211224Intel

Kaugnay ng paghingi ng Intel Corporation ng Amerika ng paumanhin kaugnay ng pananalitang may kinalaman sa Xinjiang, sinabi nitong Huwebes, Disyembre 23, 2021 ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina na nakarating na sa panig Tsino ang naturang pahayag, at umaasang igagalang ng mga kaukulang kumpanya ang katotohanan, at kanilang matutukoy ang tama sa mali.
 

Saad ni Zhao, ang mga pananalita hinggil sa sapilitang pagtatrabaho sa Xinjiang ay kasinungalingang gawa ng Amerikanong puwersa kontra Tsina, at layon nitong bahiran ang imahe ng Tsina, sirain ang katatagan ng Xinjiang, at pigilan ang pag-unlad ng Tsina.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method