Tsina, malugod na tinanggap ang suporta ng maraming bansa sa isyu ng karapatang pantao

2021-10-23 16:34:36  CMG
Share with:

Sinabi kahapon, Oktubre 22, 2021, ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina, na sa pulong ng Third Committee ng Ika-76 na Sesyon ng United Nations General Assembly, muling ipinahayag ng maraming bansa ang pagsuporta sa paninindigan ng Tsina tungkol sa pagtutol sa panghihimasok ng ilang bansa sa mga suliraning panloob ng Tsina sa pamamagitan ng isyu ng karapatang pantao.

 

Ito aniya ay lubos na nagpapakitang laging nananaig ang katarungan.

 

Nauna rito, sa nabanggit na pulong kamakalawa, nagtalumpati ang Cuba, sa ngalan ng 62 bansa, na nagbigay-diing ang mga suliranin ng Hong Kong, Xinjiang, at Tibet ay suliraning panloob ng Tsina, at nagpahayag ng pagtutol sa panghihimasok ng ilang bansa sa mga suliraning panloob ng Tsina sa pamamagitan ng isyu ng karapatang pantao.

 

Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos

Please select the login method